Isinagawa sa bayan ng Burgos, Pangasinan ang Combined Arms Training Exercise KATIHAN 2026. Nasa higit apat na libong Army personnel ang lumahok sa nasabing live fire exercise.
Ayon kay BGen Lennon Babilonia, Exercise Director ng naganap na live fire exercise, isa ito sa hakbang ng Philippine Army upang mapatatag pa ng hukbo ang kakayahan at mga dapat pang paigtingin pagdating sa iba’t-ibang klase ng senaryo sa gitna ng digmaan.
Sa pamamagitan din umano nito ay mas makikita ang kakayahan ng mga malalaking kagamitan at sandata sa makatotohanang territorial defense na senaryo.
Ang nasabing exercise ay bahagi rin ng preparatory exercises para sa partisipasyon ng Philippine Army sa PH-US Joint and Combined Exercise 2026.
Tiniyak ng hanay na mas ipagpapatuloy pa nila ang mga isinasagawang pagsasanay upang ihanda ang mga sundalo, lalo na sa paggamit ng mga makabagong kagamitan na magpapalakas sa depensa sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










