HANDA | BJMP, handa na sa pagdagsa ng mga dalaw

Magtatakda ng schedule ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bawat brigada o grupo para sa pagdalaw ng kanilang pamilya para maging maayos at mapagbigyan ang lahat.

Ayon kay BJMP Chief Inspector Xavier Solda, layon nito na hindi magsabay-sabay at magsisikip ang mga jail facility sa inaasahang dagsa ng pamilya ng mga preso ngayong Pasko at Bagong Taon.

Papayagan naman ang mga preso na makapagdaos ng mga Christmas activities, prayer meetings at iba pa na tradisyunal na ring ginagawa sa mga piitan kapag holiday season.


Pero pagtiyak ni Solda na paiiralin nila ang pagpapatupad ng mahigpit na siguridad sa loob at labas ng mga pasilidad.

Sa ngayon abala ang mga preso sa kanilang livelihood projects tulad ng paggawa at pagbenta ng mga home decors, bonsai plant making, bags, mga parol, lanterns, lalo na ang mga tokens at iba pang pangregalo na order ng ilang LGUs ngayong holiday season.

Facebook Comments