Handa Ka Ba Sa Lindol?

Eto ang mga paghahanda BAGO, HABANG, at MATAPOS ang lindol ayon sa Philvocs. I-share at i-tag ang mga kaanak at kaibigan para sila din ay maging handa.

Transcription:

LINDOL… HANDA KA BA?
Gabay sa paghahanda para sa LINDOL


Alam mo ba na nakakapagtala ng 20 na lindol sa Pilipinas araw-araw? Subalit, karamihan sa mga lindol na ito ay hindi nararamdaman at ito ay nalalaman lamang gamit ang instrumentong seismograph.
Ang lindol ay hindi mallwasan, pero maaari natin itong paghandaan.

Alamin ang mga dapat gawin bago, habang nagaganap at matapos ang paglindol.

BAGO

Ang maagang pagpaplano ang mabisang susi laban sa kalamidad
Alamin ang mga panganib dulot ng lindol sa inyong lugar.
Siguraduhin na matibay ang pagpapagawa sa mga bahay o gusali. lto ay dapat na umaayon sa tama at ininumungkahing “safe engineering practice” na nakasaad sa National Building Code of the Philippines at National Structural Code of the Philippines.
Alamin kung matibay ang gusali at iba pang mahahalagang imprastraktura. Pagtibayin pa kung kinakailangan.
lhanda ang inyong bahay, paaralan at lugar na pinag,tatrabahuhan.
Itali o ikabit ng mahigpit sa dingding ang mga mabibigat na kagamitan.
Tiyakin kung matatag ang pagkakabitin ng mga bagay tulad ng bentilador at chandelier.
Ilagay o itago sa pinakababa at ligtas na parte ng mga istante ang mga babasagin, mga nakakalasong kemikal at mga bagay na madaling magliyab.

Alamin ang exit routes.
Maglagay ng daanan para sa mga bata, buntis, matatanda at taong may kapansanan para sa panahon ng paglikas.
Alamin kung saan matatagpuan at matutong gamitin ang mga fire extinguisher, first aid kit, alarm, gamit pang-komunikasyon at emergency exit.
Maghanda ng “emergency supply kit” na naglalaman ng “first aid kit”, pagkain, tubig, damit, kumot, radyong de baterya, “flashlight”, ekstrang baterya, at iba pa.

HABANG

MAGING MAHINAHON.
Kung nasa loob ng isang MATIBAY na bahay o gusali, MANATILI SA LOOB!
Gawin ang “DUCK, COVER and HOLD”.

Kung kakayanin, buksan nang mabilis ang pintuan.
Magtago sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa paanan nito. Kung walang mesa, takpan ng mga kamay ang ulo at batok.
Lumayo sa bintana at pintong babasagin, istante, kabinet at iba pang mabibigat na mga bagay.
Mag-ingat sa maaaring bumagsak na mga bagay. Maging alerto at mapagmasid sa kapaligiran.
Kung nasa LABAS, pumunta sa isang ligtas na lugar!
Lumayo sa mga puno, poste ng kuryente, pader at iba pang istruktura na maaaring bumagsak o matumba.
Lumayo sa gilid at dalisdis ng mga bundok na maaaring gumuho.
Kung nasa tabing dagat at nakaramdam ng malakas na lindol, mabilis na lumikas sa mas mataas na lugar. Maaaring magkaroon ng tsunami.
Kung nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan! Huwag magtangkang tumawid sa tulay, overpass o flyover dahil maaaring napinsala ito ng lindol.

MATAPOS

Matapos ang pagyanig, piliin ang pinakaligtas at pinakamabilis na daan palabas ng bahay o gusali. Maging handa sa aftershocks.
Huwag…
…gumamit ng elevator.
…pumasok sa mga gusaling may sira.
…gurnamit ng telepono maliban na lang kung kinakailangan.
…mag-PANIC.

Suriin…
ang sarili at mga kasama kung nagtamo ng pinsala.
ang mga linya ng tubig at kuryente kung nagkaroon ng sira.
kung may natapong nakalalason at madaling magliyab na mga kemikal.
kung may sunog, agad itong kontrolin at puksain.
Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe na nakasaad ang lugar na patutunguhan.
Dalhin ang emergency supply kit.
Patuloy na makinig sa mga anunsyo at babala gamit ang radyong de baterya.
Regular na magsagawa at makilahok sa mga earthquake drill.

Department of Science and Technology
PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY
C.P. Garcia Avenue, U.P. Campus, Diliman, Quezon City
Tel Nos. #632 426-1468 to 79
www.phivolcsdost.govph

English Version First printed: June 2011
Reprinted: September 2015
Filipino Version First Printed: December 2015

Original Philvocs Facebook post below:

Facebook Comments