Inillabas na ang Memorandum Order 17-12-901 series of 2017 ng Pangasinan Health Office na naglalayon na maging handa ang lahat ng ospital sa Pangasinan sa papalapit na pagsalubong sa Bagong Taon. Ito ay pakikiisa sa kampanya ng Department of Health (DOH) sa “Iwas Paputok, Fireworks Display ang Patok and Campaign Preparedness 2017,” ng maiwasan ang kaso ng mga maaring maapektuhan. Sa tala ng DOH bumaba na umano ang bilang ng mga napuputukan dahil taong 2015 nasa 950 katao ito, noong 2016 naman nasa 627 na ito at target ng DOH na mapababa pa ito ngayong taon.
Lahat ng ospital ay sisiguraduhin na handa ang bawat emergency room na mayroong kumpletong gamit, mayroong Anti-Tetanus, tray ng itlog para sa maaring makalunok ng watusi at iba pang kagamitan upang mamonitor ang bilang ng mga apektado. Sa ika- 21 2017 isasailalim na sa code white alert ang lahat ng hospital sa Pangasinan, ibig sabihin hindi pwedeng magleave ang mga nagtratrabaho dito at kasama ang petsa ng Disyembre 21-23, 26-30 2017.
Code red alert naman sa Disyembre 24,25, 31 hanggang sa Enero 1, ng 2018.
Photo credited to www.pangasinan.gov.ph