BAWAL | Listahan ng mga Ipinagbabawal na Paputok

Labing siyam na ipinagbabawal na paputok ang kasama sa Listahan ng PNP Pangasinan kasabay nito ang maagang pagpapaalala at pagbabala sa mga ipinagbabawal na paputok sa darating na Bagong Taon.

Hindi umano tuluyang ipinagbabawal ang pag gamit nito ngunit paglilimita di umano sa pag gamit paputok upang mabawasan ang aksidente na pwedeng maidulot nito ayon yan sa Executive Order 28 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Hunyo.

Ayon sa kautusan magtatalaga ang bawat local government unit ng community fireworks display area at dito lamang maaring magpaputok.
1. Piccolo
2. Pop-Up
3. Watusi
4. Super Lolo
5. Mother Rockets
6. Lolo Thunder
7. Boga
8. Pillbox
9. Big Judas Belt
10. Big bawang
11. Kwiton
12. Goodbye Ph
13. Kabasai
14. Atomic Bomb
15. Five Star
16. Pla-pla
17. OG
18. Giant whistle bomb
19. Osama bin laden


Ayon din sa RA NO. 7183 may mga paputok at pyrotechnic devices na maaring gamitin ngunit hinihikayat ang publiko na mas pillin na lamang na makibahagi sa fireworks display sa bawat komunidad.

Photo credited to www.kalusugan.ph

Facebook Comments