HANDA NA | Relief good para sa mga naapektuhan ng bagyong Urduja, inihahanda na ng DSWD

Manila, Philippines – Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Acting Secretary Emmanuel Leyco na tinutugunan na ng kanyang tanggapan ang hinaing ni Eastern Samar Acting Governor Marcelo Picardal na nauubos na ang relief goods na inihanda ng kanilang lalawigan para sa maapektuhan ng bagyong Urduja.

Ayon kay Leyco, kumikilos na ang kanilang mga tauhan matapos ma-activate ang disaster response cluster ng ahensya para respondehan ang kahilingan ni Governor Picardal.

Nagpulong na sila kung saan tinalakay ang pagpapalabas ng karagdagang pondong gagamitin sa mga food packs na ipapamahagi.


Inihayag din ni Leyco na maliban sa mga nauna ng naipalabas na pondo, mayroon pang stockpile o standby fund na P762 million na gagamitin para sa food packs ng P356 families na nakatira sa dadaanan ng bagyong Urduja.

Facebook Comments