Hanging amihan, patuloy na nakakaapekto sa Luzon at Visayas

Hanging amihan pa rin ang patuloy na nakakaapekto sa buong Luzon at Visayas.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan ang ilang lalawigan tulad ng Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng hanging amihan.
Wala naman namo-monitor ang PAGASA ng namumuong sama ng panahon sa susunod na tatlong araw.


Facebook Comments