Patuloy na nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang southwest monsoon o hanging habagat.
Dahil dito, makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at thuderstorms ang Mimaropa, Bicol Region, Quezon, Batangas, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar kapag may kalakasan ang ulan.
Samantala, sa Metro Manila, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers dahil sa habagat at localized thunderstorm.
Magiging light to moderate naman ang mga baybaying dagat sa buong bansa.
Facebook Comments