SP Zubiri: SRA officials na sangkot sa iligal na importation order ng asukal, magbitiw na

356

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa iligal na importation order ng 300,000 metriko toneladang asukal na magbitiw sa puwesto.

Bago ito, kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nag-resign na si Leocadio Sebastian bilang undersecretary for operations at chief of staff to the Secretary of Agriculture, ang posisyong hinahawakan din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Humingi aniya ng paumanhin si Sebastian sa pangulo dahil sa pagpirma sa Sugar Order No. 4 nang walang pag-apruba Punong Ehekutibo, na bilang DA Secretary ay siya ring chairman ng Sugar Regulatory Board.


Samantala, ayon kay Zubiri, dapat na magbitiw na rin ang mga sangkot na opisyal ng SRA kung mayroon silang delicadeza.

Dapat din aniya silang kasuhan matapos na ipahamak si Pangulong Marcos.

Facebook Comments