DOH, nakapagtala ng 4,679 na bagong kaso ng COVID-19

59

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,679 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 3,827,758 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 40,324 ang aktibong kaso habang 3,726,442 na ang gumaling.


Pinakamaraming bagong kaso na naitala sa nakalipas na dalawang linggo ay mula sa National Capital Region (NCR) na aabot 15,843; sinundan ng Calabarzon na may 10,052; Central Luzon, 5,212; Western Visayas, 2,873 at Cagayan Valley na mayroong 2,236 cases.

Facebook Comments