Simula noong taong 2012 hanggang sa kasalukuyan, nakapag-hire na ng 6, 000 mga guro sa ARMM sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Mujiv Hataman.
Namumuhunan umano ang ARMM government para mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang kabataang Moro.
Nitong mga nakaraang taon, ang DedED-ARMM ay nakalikha ng major improvements sa sistema ng edukasyon sa rehiyon.
Sinabi ni Gov. Hataman na ang regional government ay sumusuporta sa mga guro sa pagahahatid ng mataas na kalidad na edukasyon.
Kamakailan lang nang abot sa 1,000 newly hired teachers sa Maguindanao ang naglagda ng appointment at deployment orders sa isinagawang acceptance and mass oath-taking ceremony.
Upang tuluyang mapunan ang kakulangan ng mga guro sa mga papublikong eskwelahan, ang DedED-ARMM ay kukuha pa umano ng karagdagang 3,000 bagong guro kasabay ng pagtatapos ng konstruksyon ng 921 classrooms sa rehiyon.
Hataman administration, nakapag-hire ng 6, 000 guro!
Facebook Comments