HEALTH ALERT | Kaso ng leptospirosis, tinututukan ng CHO Dagupan!

Hindi pa man opisyal na nag-uumpisa ang tag-ulan, nakapagtala na ang City Health Office ng apat na kaso ng leptospirosis ngayong taon.

Pinaiigting ng ahensya ang pagbabantay at pagbibigay ng mga impormasyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng leptospirosis at maiwasan ang mas malalang maaring maidulot nito.

Ayon kay Dra. Ophelia Rivera, Head Officer ng CHO, “Meron tayong mga barangay nurses, they are the ones monitoring, kapag may nabalitaan sila they will conduct a clean-up drive and then yung kanilang lecture para maiwasan ang leptospirosis,” saad nito. Ayon na rin dito hindi lamang ang pagbaha ang tinitignang dahilan ng leptospirosis maaari ding maapektuhan ang mga magsasaka na lumulubog sa mga lugar na may tubig at sa simpleng sugat lamang ay maaaring mapasukan ng mikrobyong na nagdudulot ng sakit na leptospirosis. Nagbibigay din ang ahensya ng gamot o antibiotic sa mga taong naexpose sa nasabing sakit.


Nagpaalala din ang awtoridad ng mga sintomas ng leptospirosis, una ay ang pagkakaroon ng lagnat, joint paint kadalasan sa may bandang binti, paninilaw ng mga mata at hirap sa pag-ihi.

Higit pa ring mahalaga na ang pangangalaga sa kalusugan ang bagay dapat nating mas bigyan pa ng pansin.

Report by Crystal Mae Aquino

Facebook Comments