Health committee ng Senado, may paalala sa publiko ngayong Pasko

Nagpaalala si Health Committee Chairman Christopher “Bong” Go sa mga kababayan na magpatupad pa rin ng ibayong pag-iingat laban sa COVID-19 ngayong holiday season.

Inihayag ng mambabatas ang kaniyang panawagan sa publiko ngayong dagsa na ang maraming tao sa labas para sa nalalapit na Pasko.

Para kay Go, hangga’t naririyan ang COVID-19 ay delikado pa rin ang panahon lalo na sa mga vulnerable sector at mga wala o hindi pa kumpleto sa bakuna.


Nakiusap ang senador sa publiko na huwag maging kampante sa sakit na COVID-19 kahit pa lumuwag na ang health protocols.

Kahit pa dagsa ang mga mamimili sa mga mall, ang mga pasahero sa mga terminal at sunud-sunod na family gatherings ay iginiit ni Go na huwag maging kumpyansa at sa halip ay palaging unahin ang kalusugan ng bawat isa.

Nauna rito ay inilabas ng Department of Health (DOH) ang kanilang pagtaya na posibleng pumalo sa mahigit apat na libo ang daily cases ng COVID-19 pagsapit ng January 15 bunsod na rin ng pagtaas sa mobility ng mga tao ngayong holiday season.

Facebook Comments