Tumataas ang naitatalang kaso ng Hypertension dahil sa init ng
panahon ayon yan sa City Health Office ng Dagupan City.
Umaabot sa 20-30 ang kaso ng hypertension kada araw ayon kay Dra.
Ophelia De Vera , Head Officer ng CHO kaya ito ay kanilang aakysunan sa
pamimigay ng CHO ng oral medication at patuloy na paalala para sa mga
apektado ng hypertension.
Pinag-iiwas ang mga Dagupeno sa mga pagkaing matataba, mamantika
at maalat na pagkain. Sapat na oras ng pagtulog ang kailangan at pagkain ng
gulay at prutas. Walang pinipiling edad ang Hypertension ngunit madalas na
nagsisimula ito sa edad na dalawamoung taong gulang.
Paalala ng Department of Health na alagaan ang pangangatawan
ngayong tag-init.
Ulat nina Mark M. Francisco at Jerame DV. Laxamana
Facebook Comments