SANIB PWERSA | Oplan Aliwawa isinagawa ng Dagupan PNP at POSO!

Dagupan City – Sa pagkakaisa ng PNP Dagupan at ng POSO Dagupan muling
isinagawa ang “OPLAN ARIWAWA” sa Dagupan City.

Ayon sa PNP Dagupan ang Oplan ariwawa ay nagsasagawa ng
checkpoint, police visibility at walk for the heart kung saan kasama ng PNP
Dagupan ang POSO upang hulihin ang mga lumalabag sa batas tulad nalang ng
maling pagparada ng mga sasakyan at kasama na rito ang paghuli sa mga noisy
mufflers.

Ayon kay SPO4 Esteban, mahigit limampo na ang nakumpiska nilang
noisy muffler dahil sa “OPLAN ARIWAWA”. Dagdag pa niya na kung umabot ng
isang daan ang kanilang makumpiskang mufflers maggtatakda ng araw ang PNP
Dagupan para ito’y pitpitin o sirain.


Dagdag pa ni SPO4 Esteban, ang kanilang programa aY tuloy-tuloy
nilang ipapatupad sa tulong na din ng POSO Dagupan.

Ulat nina Jeremie Escat at Aris Saygo

Facebook Comments