Health protocol violators sa NCR+, umabot na sa mahigit 70,000

Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 70, 603 na mga indibidwal na lumabag sa health protocols sa loob ng NCR Plus.

Ito’y sa kasagsagan ng muling papapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Police Major General Alfred Corpuz, Director ng Directorate for Operations ng PNP, na sa bilang ng mga violators 54,195 ang sinita, 14,185 ang pinagmulta at 2,222 ang inaresto.


Maraming paglabag ay ang hindi pagsusuot ng face shield, kasunod ang hindi pagsusuot ng face mask.

Iniulat din ni Corpuz na 34,220 na mga indibidwal ang “denied entry” o hindi nakatawid sa loob ng NCR Plus bubble.

24,500 sa kanila ay inakalang sila ay Authorized Person Outside of Residence (APOR).

Habang sa curfew hour naman 44,250 ang mga naitalang lumabag sa NCR Plus.

27,763 sa kanila ang nasita, 14,904 ang pinagmulta at 1,583 ang pinag-community service.

Facebook Comments