Maghihigpit ang Commission on Elections (COMELEC) sa health protocols sa pagpapatuloy ng voters’ registration sa September 1, 2020.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, magsasagawa ng voters’ registration sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.
Sa taya ng kawanihan, aabot sa tatlo hanggang apat na milyon ang magpaparehistro kaya titiyakin nilang walang mangyayaring siksikan sa registration offices.
Ang pagpapatala ay isasagawa lamang mula Martes hanggang Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Mahigpit na ipatutupad na patakarang, “No face mask, No face shield…No registration Policy.”
Facebook Comments