Health Sec. Francisco Duque, humingi ng paumanhin matapos sabihing nag-flatten na ang curve sa COVID-19

Humingi ng paumanhin si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos niyang sabihing matagumpay nang na-flatten ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic curve.

Ayon kay Duque, nais lang niyang sabihin na noong Abril ay nagsimula ang pagbaba ng kaso ng COVID-19, ilang linggo matapos ipatupad ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Gayunman, nagkaroon muli aniya ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 dahil sa ginagawang expanded testing sa bansa bunsod na rin ng pinaluwag na quarantine measure.


Giit ng kalihim, ang mahalaga ngayon ay mapanatili sa manageable ang COVID-19 cases para hindi masyadong ma-overwhelmed ang mga health workers.

Muli ring umapela si Duque sa publiko na sundin ang mga health protocols para maiwasang mahawa at makahawa ng virus.

Facebook Comments