Health sector, prayoridad sa Bayanihan 2

Inihayag ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na pinakamalaking bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay inilaan sa sektor pangkalusugan.

Kaya naman tiwala si Angara na sa pamamagitan ng Bayanihan 2 ay magpapatuloy at mapapalawig pa ang tulong ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor na nagdurusa dahil sa COVID-19 pandemic.

Binanggit ni Angara na kabilang sa mga programang pangkalusugan na nakapaloob sa Bayanihan 2 ang patuloy na pag-empleyo ng emergency human resources for health, pagpapaigting sa kakayahan ng Department of Health (DOH) hospitals, special risk allowance para sa mga pribado at pampublikong health workers at kompensasyon sa health workers na magkakasakit dahil sa COVID-19.


Sabi ni Angara, sa Bayanihan 2 ay may nakalaan din pambili ng Personal Protective Equipment (PPE), face masks, gowns, shoe covers at face shields para sa mga health workers, barangay personnel at sa mahihirap na walang kakayahang bumili alinman sa mga nabanggit.

Mahigpit ding hinihiling sa ilalim ng Bayanihan 2 na suportahan ang lokal na industriya kaya’t kinakailangang magmumula sa Pilipinas ang bibilhing PPEs.

Dagdag pa ni Angara, may inilaan din sa Bayanihan 2 para sa konstruksyon at pagmamantine ng isolation facilities, gayundin ang billing ng hotels, pagkain at transportasyon na gagamitin sa pagresponde sa COVID cases at may pondo rin sa hiring ng tinatayang 50,000 contact tracers ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

May pondo rin para sa bakuna kontra COVID-19 pero paliwanag ni Angara, bibilhin lamang ito ng estado kung ito ay aprubado at rekomendado ng World Health Organization o kaya nama’y kinikilala ng iba’t ibang health agencies sa buong mundo.

Facebook Comments