Health Summit ng DOH-2, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela*- Nagsagawa ng Disaster Risk Reduction Management for Health Summit ang tanggapan ng Department of Health Region 2 na layong imulat ang publiko sa kahandaan pagdating sa sakuna at mga kinakailangang gawin sakaling makaranas ng di inaasahang paglindol.

Kasabay ito ng isinagsagawang National Disaster Resilience Month tuwing buwan ng Hulyo.

Sa naganap na Press Conference ng ilang opisyal ng DOH, kanilang ipinaalala sa publiko na laging tandaan ang mga hakbang kung makaranas ng di inaasahang sakuna gaya ng nangyari sa Itbayat, Batanes na nakaranas ng 5.4 Magnitude na Lindol.


Sa inihayag ni Dr. Ronald Law, pinuno ng Disaster Risk Reduction Management on Health Officer, binigyan diin nito na dapat maging handa ang publiko sa anumang sakuna kung kaya’t laging nagbibigay ng mga paalala ang kanilang tanggapan sa publiko para sa kanilang kaligtasan bago pa man makaranas ng nasabing trahedya.

Patuloy naman na nagsasagawa ng mga lecture ang DOH upang ipabatid sa taong bayan na hindi dapat balewalain ang kanilang mga paalala bagkus ay sundin at gawin ang mga ito.

Facebook Comments