Pinapayagan nang lumabas ng bansa ang mga health workers na mayroon nang existing contracts.
Ito ay kasunod na rin ng panawagan ng ilang medical health workers na payagan silang makalabas ng bansa at doon magtrabaho.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, basta’t kumpleto ang mga dokumento, mayroong Overseas Employment Certificate (OEC) na inisyu ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at mayroong verified employment contract as of March 8, 2020 ay papayagan nang lumabas ng bansa ang isang health worker para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Pero ang mga health workers na walang mga kaukulang dokumento at ngayon pa lamang magpoproseso ng kanilang permit ay sakop pa rin ng deployment ban.
Samantala, inanunsyo rin ni Roque na ang mga balik- manggagawa o ang mga nagbakasyon lamang na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa ay pwede na ring lumabas ng bansa at magtrabaho abroad.