Umakyat na sa 7,354 health workers ang nagkasakit ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 6,616 ang gumaling at nananatili sa 40 ang namatay.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong delay sa pagre-report ng mga healthcare worker na tinamaan ng sakit dahil hinihintay nila ang mga dokumento tulad ng death certificates.
Ang bilang ng health workers na nagkaroon ng COVID-19 ay 3% ng kabuuang kaso sa Pilipinas.
Ang nurses pa rin ang medical professional na may pinakamaraming kaso na nasa 2,572, kasunod ang 1,496 doctors, 526 nursing assistants, 339 medical technologists, 163 midwives, 150 radiologic technologists, 71 pharmacists at 58 respiratory therapists.
Mayroon ding iba pang medical professions at non-medical staff na nagtatrabaho sa health facilities.