Wildfire sa Colorado sa Amerika, itinaas na sa red warning

43

Daan-daang residente ng Cameron Peak sa Estado ng Colorado sa Amerika ang pinalikas dahil sa wildfire.

Kasunod na rin ito ng pagtataas ng National Weather Service ng red flag warning para sa critical fire weather conditions sa Cameron Peak.


Umaabot na kasi sa mahigit 80,000 hektaryang kabundukan ang nasusunog sa lugar.

Nabatid na tatlong araw nang walang tigil sa pagta-trabaho ang mga bumbero kung saan gumamit na sila ng 747 jets sa pag-aapula ng apoy.

Ito na ang pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng Colorado.

Facebook Comments