Helper, Arestado sa Drug Buy Bust Operation sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Sa lock-up cell na ng PNP Cauayan nagpalipas ng gabi ang isang helper matapos itong maaresto sa ikinasang drug buy bust operation ng kapulisan partikular sa kahabaan ng Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na kabilang sa listahan ng mga drug personality sa ilalim ng Directorate for Intelligence o DI Listed na si Darelle James Marcos, 29 taong gulang, binata at residente ng brgy. Labinab, Cauayan City.

Sa nakuha nating impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cauayan City Police Station, inilatag ang operasyon pasado alas 3:00 ng hapon nitong araw ng Martes, September 14, 2021 sa pangunguna ni P/Lt Col Eugene Mallillin, Chief ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) kung saan positibong nabentahan ng suspek ang isang poseur buyer ng isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Dito na tuluyang dinakip ang suspek at nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang Php1,000.00 na ginamit bilang buy bust money, isang unit ng cellphone, isang lighter, isang pitaka, dalawang ID at pera na nagkakahalaga ng Php140.00.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw, September 15, 2021 ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa imbestigador ng PNP Cauayan, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang suspek at marami pang mga indibidwal ang minomonitor ngayon ng mga intel operatives ng pulisya na sangkot sa pagtutulak at paggamit ng iligal na droga.

Facebook Comments