Hepe ng PNP Custodial Service Unit, sinibak matapos ang umano’y pamomolestya kay dating Ozamis City Vice Mayor Nova Parojinog

Sinibak sa kanyang pwesto bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) Custodial Service Unit si Lieutenant Colonel Jigger Noceda matapos ang umano’y pamomolestya kay dating Ozamis City Vice Mayor Nova Parojinog.

Si Parojinog ay nakakulong sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame matapos na maaresto noong taong 2017 nang isagawa ng mga pulis ang anti-drug operation sa mismong kanilang bahay sa Ozamis City na ikinamatay rin nang kanyang ama na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa.

Ayon kay PNP Spokesperson Col Ysmael Yu, isinampa ng PNP Women and Children Protection ang kasong kriminal laban kay Noceda nitong October 7, 2020 sa Quezon City Prosecutors Office kung saan inaakusahan si Lt. Col. Noceda nang umano’y panggahasa.


Sa ngayon, ayon pa kay Col Yu, bilang standard operating procedure isinailalim sa restrictive custody ng PNP Headquarters Support Servide si Noceda habang dinidinig ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments