Hepe ng PNP Tuguegarao City, Kabilang sa Ten Outstanding Police Women sa Bansa

Cauayan City, Isabela- Personal na tinanggap ni PLTCOL. Jhonalyn Quilang Tecbobolan, Chief of Police ng Tuguegarao City Police Station ang kanyang award bilang isa sa Ten Outstanding Police Women of the Philippines na ginanap sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City noong Nobyembre 8, 2021.

Pinasalamatan naman ni PLT COL. Tecbobolan sa pamamagitan ng kanyang facebook post ang lahat ng bumati at nagbigay-pugay sa kanyang nakamit na pagkilala.

Nangako naman si PLTCol Tecbobolan na higit niyang pagbubutihin ang pagganap sa tungkuling naiatas sa kanya.


Facebook Comments