Hepe ng pulis sa Zamboanga, iniiwasan ang isyu ng pagsangkot sa aksidente ng service vehicle ng Zamboanga

Zamboanga, Philippines – Kinukuwestiyon ngayon ng hepe ng Zamboanga City Police Office Sr. Superintendent Luisito Magnaye ang mga media sa pagpapalaki sa issue ng pagkabangga ng service vehicle ng local government na ginagamit ng Alkalde Beng Climaco ng lungsod ng Zamboanga.

Ayon kay Magnaye, hinde na dapat gawing issue ito dahil nasa official travel naman ang mga tao na sangkot sa aksidente, na kinabibilangan ang official driver ni Climaco isang staff nito at ang bodyguard na army.

Matatandaan wasak ang harapang bahagi ng ford ranger na kulay itim na ginagamit ng alkalde sa kanyang mga travel, at bagong bili lamang ito ng local government unit ng Zamboanga.


Giit ni Magnaye, kanila ng iniimbestigahan ang nasabing pangyayari, at mananagot ang sino mang dapat na managot dito.

Hindi na umano dapat palakihin ito ng media dahil may insurance naman aniya ito, at ang insurance company na ang bahala.

Pinupuntirya ni Magnaye ang media dahil sa hindi pag-iwas sa nasabing issue gayong pera naman ng taong bayan ang ginamit sa pagbili nito.

Sa information nakalap ng media na ginawang test drive ang nasabing sasakyan, kung kayat nadisgrasya ito.
Nation

Facebook Comments