Isang Jamaican, itinanghal na pinakamatandang babae sa buong mundo

20

Jamaica – Itinanghalng Gerontology Research Group si Violet Brown bilang pinakamatandang babae sa buong mundo.

Si Brown ay isang Jamaican, ipinanganak noong Marso 10, 1900 at may edad na 117.

Ayon kay Brown, ang hindi pag-inom ng alak at pagkain ng karne ng baboy at manok ang naging susi niya upang magkaroon ng mahabang buhay.

Nag-abot naman ng pagbati ang Jamaican Prime Minister na si Andrew Holnes kay brown na itinanghal bilang pinakamatandang babae sa buong mundo.
Nation

Facebook Comments