Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Public Information Officer Paul Bacungan ng City of Ilagan, patuloy ang isinasagawang vaccination roll-out sa kanilang lugar kung kayat mayroon na aniyang herd immunity sa naturang Lungsod.
Mahigit 84 porsyento na rin aniya ang mga nabakunahan sa mga nasa edad 12 hanggang 17.
Dagdag pa nito, nagsisimula na rin ang vaccine booster shot sa ilang priority sector sa Lungsod.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang Panlungsod ang mga hindi pa nabakunahan lalo pa’t mayroon na namang OMICRON Virus.
Binigyan diin ni PIO Bacungan, sapat at ligtas ang mga bakuna na dumarating sa lungsod kung kaya’t walang dapat ikabahala ang mga tao na magpabakuna.
Samantala, kabilang sa alert level 2 ang Lungsod ng Ilagan kaya’t mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa mga checkpoint areas sa kanilang nasasakupan para sa mga gustong pumasok sa naturang Lungsod.