Lalaki na Nanggahasa sa Step Daughter, Arestado sa Cagayan

19
Cauayan City, Isabela- Natimbog na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 most wanted person sa Lalawigan ng Cagayan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasong Qualified Rape na isinilbi ng pinagsanib pwersa ng Solana Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company, Cagayan PPO at Regional Mobile Force Battalion 2, nahuli ang suspek na kinilalang si Mar Soriano sa kanyang mismong tahanan sa Calilliauan, Solana.

Batay sa ulat ng PNP Solana, ginahasa ng suspek ang kanyang 13-anyos na step daughter mula 2016 hanggang 2018 sa kanilang mismong bahay sa nabanggit na lugar.

Hindi agad nakapag sumbong ang menor de edad na biktima dahil sa takot nito sa suspek.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Solana Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments