Pinangangambahang mauwi sa international armed conflict ang nangyayaring gulo ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito ay kung magtatagal pa ang tensyon at kung hindi ito maaagapan ng diplomatic solution.
Para sa security expert na si Prof. Rommel Banlaoi, hindi magandang halimbawa para sa ibang bansa ang ginawang aksyon ng Russia.
Bagama’t nauunawaan niya ang mga security anxiety ni Russian President Vladimir Putin ay hindi pa rin dapat na malabag ng sinuman ang integridad ng teritoryo at soberanya ng isang independent country.
“Yun po talagang mapayapang paraan para masolusyunan ang mga ganitong problema dahil kung military actions po yung ating ipu-pursue e mag-e-escalate lang ‘to to the level that may harm not only Ukraine and Russia but also the whole world,” paliwanag ng security expert.
“Okay naman po si [Russian President] Vladimir Putin na makipag-usap sa mga bansang concern sa Ukraine. Ang gusto lang ni Putin ay i-assure sa kanya, i-guarantee sa kanya na ang Ukraine ay hindi magiging miyembro ng EU at hindi siya magiging member ng NATO,” aniya pa.
Nabatid na nag-ugat ang mga aksyon ng Russia dahil sa pagtutol nitong maging miyembro ng NATO at European Union ang Ukraine.