Canada – Siguradong mangangawit ka at mangangalay sa kakaibang rubik’s cube na ginawa ng Telus Spark Science Museum sa Calgary Province.
Nabatid kasi na ang nasabing rubik’s cube ay may taas na 5 feet, 6.25 inches napapaikot muna ito tulad ng normal at maliit na rubik’s cube.
Nadaig nito ang dating record ni Tony Fisher ng United Kingdom na may 5-feet at 2,25 inches.
Wala daw problema kung sino ang may nais na i-solve ang higanteng rubik’s cube pero binigyan ng pamunuan ng science museum ang bawat isa ng time limit para mapagbigyan naman ang iba.
Facebook Comments