High na mga Driver at Konduktor, Nasampolan!

Baguio, Philippines – Isang driver ng mini bus at dalawang konduktor ay naging positibo sa paggamit ng iligal na substansiya sa isang random drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera (PDEA-CAR) sa iba’t ibang mga bus terminal sa Baguio City.

Ang panukalang-batas ng PDEA-CAR ay nakabatay sa malawakang pagsusuri sa buong bansa ng sabay-sabay na sorpresa na mandatory drug test sa mga drayber at konduktor ng bus, K9 sa mga terminal ng bus, paliparan at mga daungan sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

Sinabi ng PDEA-Cordillera director na si Edgar Apalla na ang tatlong indibidwal ay sasailalim sa confirmatory tests at kung sila nga ay makukumpirmang regular na gumagamit ng pinagbabawal na gamot, kinakailangan nilang mai-rehabilitate.


iDOL, ano sa palagay nyo, sa mga bus lang ba may mga driver na gumagamit ng iligal na substansya?

Facebook Comments