Santiago City – Timbog kagabi sa kamay ng kapulisan ang isang pinakamataas na target sa listahan ng PDEA na tulak ng droga sa harapan ng isang subdibisyon sa Barangay Malvar, Santiago City.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago Police Station 1 na kinilala ang drug identified na si Mark Obena, bente anyos, isangelectrician at residente ng Purok 2, Brgy. Mabini, Santiago City.
Sinabi pa ni Police Chief Inspector Gatan na matagal nang minamanmanan ng PDEA at PNP Santiago si Obena kung saan kahapon lamang umano ipinarating ng kanilang impormante na kasalukuyang nagtitinda ng droga ang nasabing suspek.
At dahil sa ikinasang operasyon na drug buy bust ay matagumpay na naaresto si Obena sa pinagsanib pwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit ng Station 1, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA RO2.
Nakumpiska ang isang pakete ng dried marijuana na may anim na libong gramo na nagkakahalaga ng mahigi’t kumulang sa Php 5,000.00 ngunit ang trade value umano nito ay mahigit Php 70,000.00.
Nakuha rin mula sa suspek ang marked money na Php500.00 maliban sa dalawang Php500.00 at isang play money na isang libong piso.
Samantala inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban sa suspek.