Manila, Philippines – Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) ang patutsada ni Camarines Sur Representative Rolando Andaya na lumikha ito ng ₱370 billion na ‘pork’ funds nitong 2017.
Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno – ang tinutukoy ni Andaya ay ang savings na gobyerno noong fiscal year 2017 na hindi na ginagamit ng ahensya.
Aniya, ibinalik na ito sa national treasury.
Base sa veto message ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga pondo ay dapat ‘obligated’ bago ang December 31, 2017.
Facebook Comments