Higit 1.2 milyon na bagong botante naitala ng Comelec; Publiko, hinimok na samantalahin ang huling linggo ng voter registration

Muling hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magparehistro para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, naobserbahan nila ang mataas na applicants’ turn out at inaasahang marami pa ang magpapalista sa huling linggo ng voters’ registration.

As of July 14, nasa 1,209,888 new registrants na ang naitala ng poll body.


Nagpaalala naman ang Comelec sa mga magpaparehistro pa na mag-apply nang mas maaga at iwasang mag-“last minute.”

I-check din ang schedules ng offsite/satellite registration partikular ang mga nasa mall o malalaking venue na kayang mag-accommodate ng mas maraming aplikante.

Siguraduhin din na nakapagsagot na ng application forms at dalhin ang mga kinakailangang dokumento gaya ng mga ID bago magtungo sa registration site.

Magtatapos ang voter registration sa July 23.

Facebook Comments