2 NPA, SUMUKO SA 2ND ISABELA PMFC

Cauayan City, Isabela- Kusang sumuko sa kapulisan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) na pinamumunuan ni PLTCol Dennis M Pamor, Force Commander ang dalawang miyembro ng NPA in the Barrio sa Brgy. Uno, Jones, Isabela.

Isinuko rin ng dalawang rebelde ang kanilang dalawang unit ng pampasabog na isang M203 grenade at isang rifle grenade bilang pagpapakita ng kanilang buong pusong pagbabalik loob sa gobyerno.

Napasuko ang dalawa dahil sa walang tigil na kampanya kontra terorismo ng kapulisan at kasundaluhan at pagsasagawa ng Retooled Community Support Program activities ng 2nd IPMFC na sumusuporta sa Executive Order no. 70 o NTF-ELCAC.

Ang dalawang rebelde ay sinamahan ng CTG Tracker Team at 3rd platoon para sa tactical interview at ang mga isinurender na pampasabog ay dinala rin sa 2nd IPMFC HQs para sa nararapat na dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments