BABAE, PATAY MATAPOS UMANONG TUMALON SA TULAY

60
Cauayan City, Isabela – Nasawi ang isang babae na pinaniniwalaang tumalon sa tulay bandang alas-6:50 ng umaga ngayong araw, July 17, 2022 sa Brgy. Alinguigan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Realuza Reños, babae, 26-anyos, at residente ng Purok 3 Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP City of Ilagan, nakatanggap ng tawag ang kanilang himpilan mula sa opisyal ng barangay ng nabanggit na lugar na mayroong natagpuang katawan ng babae na wala nang buhay sa tabing ilog.

Kaagad namang rumesponde ang kapulisan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, ang naturang babae ay nasa prone position na indikasyon na tumalon ito mula sa tulay.

Inaalam pa ng otoridad ang motibo ng umano’y pagpapakamatay ng biktima.

Facebook Comments