Higit 1.4-M doses ng mga bakuna, naiturok sa nagpapatuloy na house-to-house vaccination campaign ng DILG at DOH

Nasa higit 1.4 million doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok ng magkasanib na pwersang Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa nagpapatuloy na house-to-house vaccination campaign.

Sa ulat ni DILG Sec. Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Talk to the People, sinabi nitong sakop nito ang 792 cities and municipalities sa bansa.

Ayon pa kay Año, ang Region 7 ang nakapagtala ng pinakamaraming nabakunahan o katumbas ng 407,019 doses na sinundan naman ng Region 11 na nakapagbakuna ng 230, 940 doses at pumangatlo ang Region 7 na nakapag administer ng 125, 429 COVID-19 vaccine doses.


Base pa sa datos ng DILG, mula sa halos 1.5 million doses naiturok na mga bakuna sa house-to-house campaign, 584,452 dito ang nabigyan ng 1st dose, higit 600,000 ang naturukan ng 2nd dose, 289,423 naman ang nabigyan ng 1st booster shot at nasa halos 1,500 ang naturukan ng 2nd booster shot.

Kasunod nito, tiniyak ni Sec. Año na magtutuloy-tuloy lang ang house-to-house vaccination campaign lalo na sa mga liblib na lugar sa layuning maitaas pa ang vaccination coverage sa bansa.

Facebook Comments