Presidential candidate Senador Ping Lacson, umapela sa active at silent supporters na lumabas at bumoto sa eleksyon

39

Nananawagan si presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson sa lahat ng kaniyang silent at active supporters na naniniwala sa good governance na lumabas na sa May 9 at bumoto sa halalan.

Ayon kay Lacson, napapanahon na upang ipakita ng kaniyang silent at active supporters ang kanilang suporta para sa mga Pilipino at sa mga susunod na henerasyon.

Paliwanag ni Lacson na ito ang kaniyang naging hakbang matapos na lumabas ang bagong Pulse Asia survey kung saan 2% ang nakuha ng senador.


Binigyang diin pa ni Lacson na hindi kapani-paniwala aniya na zero siya sa Visayas at Mindanao sa naturang survey kaya’t mas makakabuti na aniya na antayin na lamang ang resulta ng halalan kung saan isang linggo na lamang ang aantayin ng Sambayanang Pilipino.

Facebook Comments