iFM Laoag – Umaabot ng mahigit isang (1) bilyong pisong pundo na ibinahagi ng Department of Agriculture (DA) para para sa mga magsasaka at mangingisda sa rehion uno.
Ito ang bitbit ni DA Secretary William Dar sa kanyang pagbisita sa lungsod ng Batac nitong umaga lamang at dito namigay din ng iba’t-ibang farm machinery para sa lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Para sa Ilocos Norte umaabot ito ng higit 200 milyong piso na pundo mula sa Rice Banner Program, Corn Banner, Organic Agriculture, High Value Crops at Livestock program ng DA. Mahigit 100 milyon naman para sa lalawigan ng Ilocos Sur at La Union. Pinakamalaki naman nap undo ang ibinahagi ng Da sa lalawigan ng Pangasinan na umaabot ng higit 600 milyong piso.
Malaking pundo ang inilaan sa Rice Banner program na paniwala ng sekretario na malaking tulong ito sa mga magsasaka lalong-lalo na ngayon na namomroblema ang karamihan sa sitwasyun ng presyo ng palay na apektado ng ‘Rice Tariffication Law.’
Dagdag pa ni Secretary Dar na ang mga magagandang programa ng ahensya ay magdudulot ng magandang epekto sa mga magsasaka at makakamit ang kanilang hangarin na “Masaganang Ani, Mataas na kita”.
Bernard Ver, RMN News