Higit 1 milyong bata, nabakunahan na kontra polio at tigdas – DOH

Nabakunahan na laban sa tigdas at polio ang higit isang milyong bata para sa second phase ng kanilang immunization campaign.

Bago ito, inanunsyo ng Department of Health (DOH) na target nilang mabakunahan ang nasa 5.1 million na batang siyam hanggang 59 months old para sa measles-rubella immunization campaign.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang overall coverage para sa measles at rubella immunization ay nasa 10.7% o 525,614 na target population.


Para naman sa oral polio vaccine, mayroon nang overall coverage na nasa 10.5% o 499,573 na bata.

Target ng DOH na mabakunahan ang nasa 4.8 million na bata laban sa polio.

Ang phase 2 ng Measles Rubella at Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity na nagsimula nitong February 1 hanggang 28 sa Visayas, National Capital Region, Central Luzon at CALABARZON.

Facebook Comments