Higit 1 milyong OFWs, napauwi ng pamahalaan simula noong pandemya

Photo Courtesy: OWWA Facebook Page

Umaabot na sa kabuuang 1.7 million na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungang ma-repatriate ng pamahalaan simula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator for Administration and Fund Management Arnel Ignacio na ang mga ito ay sumailalim sa repatriation efforts ng pamahalaan dahil sila ay nawalan ng hanapbuhay bunsod ng pandemya.

Samantala, nasa ₱23-B na ang nagastos ng gobyerno sa pagpapauwi sa ating displaced workers na sakop ng emergency repatriation fund.


Sa ngayon ani Ignacio, nasa 1,704 na mga OFWs na lamang ang nananatili sa 92 mga hotels para sa quarantine at unti-unti na itong bumababa dahil sa mas pinaluwag na travel restrictions.

Kasunod nito, tiniyak ni Ignacio na magtutuloy-tuloy lamang ang repatriation program ng gobyerno para sa mga kababayan nating nais bumalik ng bansa.

Facebook Comments