Higit 100 kabahayan sa Isabela City, Basilan – tinupok ng apoy

Basilan – Nasunog ang mahigit 100 bahay sa isang isla sa Isabela City, Basilan.

Nangyari ang sunog pasado alas-10:00 ng umaga kahapon kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay at malakas din ang hangin.

Nahirapan ding makaresponde ang mga bumbero na tumawid pa mula sa kabilang isla.


Nagbigay na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga nasunugan.

Tinutukoy pa ang naging sanhi ng sunog.

Facebook Comments