HIGIT 100 KABATAAN, LUMAHOK SA PUROK PATROLLERS TRAINING

Cauayan City, Isabela- Aktibong lumahok ang nasa 128 kabataan sa isinagawang kauna-unahang Purok Patrollers Training sa bayan ng Pamplona, Cagayan, kahapon, Pebrero 15.

Ipinamalas ng mga ito ang kanilang natutunan mula sa pagsusulat hanggang paglalahad ng kanilang nakalap na balita.

Malaki rin ang tulong ng mga Purok Patrollers upang ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang mga nangyayaring sitwasyon sa isang lugar at agad na makatugon sa mga residente upang maiwasang makapagtala ng casualties sa panahon ng kalamidad.

Matatandaan na nagsimula ang programa noong nakaraang taon kung saan 20 bayan ang naunang tinungo ng pamahalaan para makapagbigay ng kasanayan sa mga kalahok.

Bukas, Pebrero 17 ay magtutungo sa bayan ng Lasam para makapagbigay ng parehong pagsasanay.

Layunin nito na magkaroon ng katuwang ang Provincial Government ng Cagayan upang maiwasan ang maling impormasyon kung saan taong 2020 ng magkalat ang fake news sa nangyaring malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses probinsya.

Facebook Comments