Higit 100 Miyembro ng Rebeldeng Grupo, Sumuko sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa kabuuang 150 na miyembro at supporters ng rebeldeng grupo sa Cagayan ang isinuko ang kanilang mga sarili sa pamahalaan.

 

Kinabibilangan ito ng apatnapu’t pito (47) na miyembro at supporters ng grupong CPP-NPA; limampu’t dalawa (52) naman ang Militia ng Bayan kung saan dalawa mula sa Brgy. Masi; dalawa (2) sa Brgy. Bural at labingwalo (18) mula sa Brgy. San Juan sa bayan ng Rizal, Cagayan.

 

Sumuko rin ang labing-anim (16) mula sa Brgy. Balagan; dalawampu’t isa (21) naman sa Brgy. Calassitan sa bayan ng Sto Niño.


 

Kasama rin na sumuko ang labing-siyam na miyembro ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM); siyam (9) mula sa MAKIBAKA at lima (5) mula sa KABATAAN MAKABAYAN ng Brgy. Abariongan Uneg at walo (8) sa Brgy. Calassitan, Sto. Niño.

 

Una nang sumuko ang nasabing bilang ng rebelde sa mga kasapi ng Marine Battalion Landing Team-10, 77th Infantry Battalion at PNP dahil na rin sa masusing intelligence monitoring at negosasyon ng AFP-PNP JITG “BATARIS” maging ang mga lokal na pamahalaan sa probinsya.

 

Sa kasalukuyan, ikinostodiya muna sa 17th Infantry Battalion sa ilalim ng 5th Infantry Division sa Brgy. Bangag, Lal-lo, Cagayan para sa isasagawang custodial debriefing.

 

Ito na ang naitalang pinakamataas na bilang ng mga sumukong rebelde ngayong araw.

Facebook Comments