Cauayan City, Isabela- Umabot na 115 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Isabela batay sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ngayong araw, July 20, 2022.
Nanguna sa may maraming bilang ng binabantayang pasyente ang Cauayan City na nakapagtala ng dalawampu (20).
Bukod pa dito, ilang bayan kabilang ang Alicia, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Echague, City of Ilagan, Jones, Luna, Naguilian, Quezon, Quirino, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Agustin, San Manuel, San Mariano, San Mateo, Sta. Maria, Sto. Tomas at Santiago City ang nakapagtala rin ng aktibong kaso.
Labing-dalawa (12) namang lugar sa Isabela ang nananatiling COVID-19 Free.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang umiiral na health protocols at magpaturok para magkaroon ng karagdagang bakuna laban sa virus.
Facebook Comments