HIGIT 100% NA MGA BATANG DAGUPEÑO, BAKUNADO NA NG KONTRA MEASLES-RUBELLA AT POLIO

Bakunado na ang target ng lokal ng pamahalaan ng Dagupan na 100% na mga batang Dagupeño na mabakunahan ng laban sa mga sakit na Measles o Tigdas, Rubella o Tigdas Hangin at Polio.
Hindi lamang napagtagumpayan ang isang daang porsyento ng bakunadong mga bata dahil ayon sa City Health Office ay lagpas pa ito sa inaasahan.
Sa ilalim ng Measles-Rubella Vaccine, nasa kabuuang bilang na 14, 467 ang mga batang nakatanggap ng naturang bakuna, katumbas nito ay eksaktong 102.79%.

Ang mga batang nabakunahan naman ng Oral Polio Vaccine ay nasa kabuuang bilang na 16, 762 na tumutumbas naman sa 100.05%.
Naitala rin ng CHO ang mga batang napamahagian ng Vitamin A ay nasa 15, 404 na may katumbas na 101.95%.
Naging matagumpay ang kampanyang Chikiting Ligtas MR OPV SIA ng Kagawaran ng Kalusugan sa pangunguna ni Mayor Fernandez kasama ang mga kawani ng CHO, maging mga BHWs, barangay nurses, nutrition scholars, service point officers at barangay councils. |ifmnews
Facebook Comments