Higit 100 na mga motorista stranded dahil sa suspected IED sa Datu Saudi Highway

19

Pansamantalang nakasara sa mga motorista ang Datu Saudi Ampatuan- Shariff Aguak Road matapos na may mataang suspected Improvised Explosive Device mag aalas sais kaninang umaga.

Sinasabing isang Plastic na nakabalot ng packaging tape na may wire ang namataan ng mga nag foot patrol na mga elemnto ng Cafgu sa National Highway partikular sa Sitio Panang di lamang kalayuan sa round ball ayon pa sa panayam ng DXMY kay Datu Saudi Ampatuan COP PSI Abdulbasit Kulod.

Kasalukuyang tinatayang nasa isang daang mga vehicles ang stranded sa lugar.
Nasa area na rin ang mga elemento ng EOD at ini hahanda na ang gagawing disruption sa suspected IED dagdag ni PSI Kulod.

FILE PIC: Google

Facebook Comments