HIGIT 100 SAKO NG PEKENG ABONO, NASABAT

Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit isang daan na pekeng abono na ibinebenta sa merkado matapos ang ikinasang entrapment operation ng kahapon, Agosto 8, 2022 sa Alicia, Isabela.

Sa panayam ng 9.5 iFM Cauayan kay PMAJ Arnel Talattad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Santiago City, naarestado ang limang indibidwal matapos maaktuhang nagbebenta ng pekeng abono sa ahente ng pulisya bandang 9:50 kagabi sa isinagawang OPLAN Mega Shopper.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang 120 sako ng 14-14-14 Sunrise Fertilizers, 20 sako ng 16-20 Sunrise fertilizers, 2 cellphones, at ang kabuuang 296 piraso ng one thousand peso bill na ginamit bilang bundle boodle money sa operasyon.

Ayon kay PMAJ Talattad, binebenta ang mga pekeng abono sa halagang 2,100 kada sako na mas mababa kaysa sa retail price na 2,400 ng mga tunay na abono.

Dagdag pa niya matagal na ang ginagawang pagbebenta ng mga pekeng abono sa merkado ng mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 7394 o ang Consumer Act of the Philippines, RA 8293 o Intellectual Property Code Of The Philippines at PD 1144 o Creating the Fertilizer and Pesticide Authority and Abolishing the Fertilizer Industry Authority.

Facebook Comments